Sunday, April 10, 2011

MALING PANINIWALA

ni: Perry Lequigan

sa isang malayong lugar sa bundok ng akala, may isang komunidad na lubos na pinagpala kabuhayan ay di pinagkait dahil hitik sa pananim na gulay at ibat-ibang pagkain. Mga tao ay namumuhay ng simple at umaasa lamang kung ano nasa kanila. Bawat pamilya ay may sariling pananim ay kahayupan na bumubuhay sa kanila.
Di man magkalapit ang kanilang bahay ngunit nagtutulungan silang lahat.

Si Pedro mapagmahal sa mga hayop lalong-lalo na sa alagang aso. Mula nung bata pa sya ay masayahin na, laging kalaro ang mga alagang hayop; kambing, pusa, manok, aso at iba pang hayop na nasa paligid kasi hinding hindi nya malilimutan sabi ng papa nya na "Mahalin ang lahat ng hayop dahil may puso din sila at damdamin".

Di kalaunan, lumaki na si pedro at nagka asawa na rin ng isang napakagandang babae na taga syudad... si amelia. Mapagmahal din sa asawa si Amelia pero salungat mga gusto nila, si Pedro mapagmahal sa aso habang si Amelia naman ay di mahilig sa aso dahil sa pinaniniwalaan niya na "Ang HAYOP ay Hayop".

Dumaan ang ilang buwan masaya silang mag-asawa. Si pedro ay nahihilig sa pangangaso at umuuwing laging may dalang pagkain. Isang araw, may nakita si Pedro an isang tuta at dinala niya sa kanilang bahay at gustong alagaan, pero nagalit si Amelia dahil ayaw na ayaw niya ng hayop dahil sa pinaniniwalaan niyang "BASTA HAYOP, HAYOP TALAGA!"

Pero nagpupumilit si Pedro alaagan natin ito Amelia ako na bahala dito please?. . . Dahil mahal ni Amelia si Pedro napilitan syang alagaan nila ang tuta, buntis nun si Amelia. Nagdaan ang ilang buwan hanggang dumating ang kabuwanan ni Amelia; kasabay nun lumaki din ang tuta at naturuan ni Pedro na utusan, napakabait na aso at mapagmahal sa amo.

Namatay si Amelia sa panganganak napakasakit sa nararamdaman ni Pedro pero nagpakatatag sya at inalagaan ang kanyang anak. Nauutusan niya ang aso na bantayan ang kanyang anak habang nangangaso sya sa bundok. Bago sya umaalis nga bahay nagtitimpla na sya nga gatas at iniwan niya; ang aso pag narinig ang bata na umiiyak kinukuha niya ang gatas at pinapainom sa bata para makatulog.

Isang araw, umuwi si Pedro galing sa pangangaso, malayo pa lang tumatakbo na ang aso para sunduin sya; kumakaway ang buntot ng aso sa tuwing nakikita niya si Pedro. Habang papalapit ang aso, napansin ni Pedro na may dugo ang bibig ng aso, biglang sumagi sa isip niya sabi ng misis niya na... "Basta Hayop, Hayop tlaga".

Masakit man sa kanya bigla niya binaril aso niya at mabilis na tumakbo sa loob ng bahay na tahimik na tahimik. Iniisip niya baka kinain ng aso ang anak niya. Bumulaga sa kanya ang nahihimbing niyang anak na may dede, at katabi ng bata isang napakalaking ahas na patay... iniligtas pala ng aso anak niya!
Tumakbo sya palabas at binalikan ang mahal na mahal niyang aso na nangingisay pa binuhat niya at wala na syang nagawa kundi ang sumigaw ng. . . ."PATAWAD!!!"

(ilan bang katulad ni Pedro na nagkakamali dahil sa maling akala? buhay ng mahal niya ay nawala.)













"ang storyang ito ay hango sa mga kuro-kuro at kwentong nasa paligid ligid lamang na binigyan ko ng isang bagong rendisyon para mapagkukunan ng aral."

5 comments:

  1. ganda ng kwento... kakaiyak pa waaaaah

    ReplyDelete
  2. is dis d part wer I shud start 2 cry? hehehehe...
    Pamahaw lagi Per....

    ReplyDelete
  3. ohhhh, what a touching story, huhuhuhu!!!(✿◠‿◠)
    pero infainess may lesson akong na kuha very nice, keep it up boss =P (✿◠‿◠)

    ReplyDelete
  4. wow,keep it up bro! ganda ah! GOD bless u

    ReplyDelete
  5. (^_^) aheheh murag na shock ko sa part na ang aso nagpainom ng gatas sa anak niya ... and medyo makaiyak nga un part pinatay niya aso for maling akala... nice story perry wild imagination gyud diay ka (^_^)

    ReplyDelete