Wednesday, April 13, 2011

MAHAL MO BA TALAGA ANAK MO?

ni Perry Lequigan

Si mareng Loreng isang dating tindera ng isda sa palengke, halos araw-araw siyang nag-aabang ng mangingisda sa tabing dagat at tinitinda sa palengke. Sa bawat araw na pamumuhay sa sa palengke, si mareng Loreng ay mapag-alagal sa mga anak maliban sa isang anak niya na isang "Down Syndrome" si dodoy. Tinatago niya ito sa loob ng kwarto kapag may bisitang dumadating sa bahay nila.

Dahil sa kanyang pagsisikap, umasenso si mareng Loreng napagtapos niya ang mga anak sa pagtitinda lamang ng isda; ngayon may sarili na syang bahay at lupa at nagmamay-ari na ng isang fishport sa kanilang lugar. Di man lingid sa kaalaman ng iba na may anak siyang "down syndrome" na di niya pinapalabas ng bahay dahil ikinahihya niya ito na makita ng mga kaibigan niya na mayayaman na rin katulad niya.

Di naglaon, si mareng Loreng ay unti-unting umiba ang ugali naging mapagmataas na sa kapwa at ang mga kaibigan niya ay yung mga mayayaman lang na katulad niya. Malaki na ang bahay ni mareng Loreng, punong-puno ng mga gamit na mga Antigo (antiques), mga ceramics at iba-ibang mababasag na mga gamit. Isang araw, habang naglalaro ang kanyang anak na ikinahihiya niya, nakabasag ito ng isang napakamahal na antigong ceramics....masayahin ang kanyang anak at "Excited pa na pinakita sa mama niya ang nabasag na para bang wala siyang alam kung gaano ka mahal yun basta ang alam lang niya, masayang-masaya sya sa ginagawa niya.

Galit na galit si Loreng at kinastigo ang kanyang anak na si dodoy na nakabasag sa antigong ceramics. Sa galit ni Loreng kinulong niya ulit sa kwarto ang anak niya na si dodoy at walang awang pinapalo sa kahit saang parte ng katawan. Si dodoy, di mawari sa isip niya kung ano ang nagawa niyang kasalanan ang alam lang niya naglalaro sya at "excited" sya na makita ng mama niya ang ginawa niya sa ceramics dahil proud sya sa mama niya at mahal na mahal niya ito. Habang pinapalo sya ng kanyang ina, ito ang lagi niyang sinasambit sa bawat hambalos sa kanya. . ."mama bakit po?. . . mama bakit po?. . . . mama bakit po? . . .. . .mam. . .a. .a   Sakit po. . ."

"Di ka lalabas ng kwartong yan naintindihan mo???" sabi ni Loreng sa kanyang anak. Isang araw, nagpa Party si Loreng sa kanyang bahay na malaki at imbitado ang lahat ng mga mayayaman niyang mga kaibigan at mga kumare na dala-dala mga anak nila na makukulit. Habang nagkasayahan ang lahat, may mga nag inuman, kantahan, at mga bata na nagtatakbuhan sa loob ng bahay; si dodoy ay pasilip silip lang sa kanyang kwarto di sya lumalabas dahil takot sya sa kanyang nanay na baka magalit sa kanya.

Habang naglalaro ang mga bata, nakabasag sila ng pinakamahal na antigong ceramic ni Loreng na galing pa sa ibang bansa tumakbo ang isa sa mga ina ng nakabasag at humingi ng paumanhin kay kumareng Loreng at nakita yun ni dodoy na sumisilip sa pintuan; naawa sya sa bata dahil baka gawin sa kanya ang ginawa ng kanyang mama nung nakabasag sya ng antigong ceramic. . . pero iba ang sinabi ni Loreng sa ina ng nakabasag .. ." OK LANG YAN MARE, GANYAN TALAGA MINSAN ANG MGA BATA" ipapaligpit ko na lang yang mga bubog sa sahig at ituloy natin ating kasayahan.

Si dodoy, di man niya naintindihan ang mga pangayayari isa lang alam niya, masaya sya pag nakikita niya kanyang mama na masaya.




Nanay, mahal na mahal kita 'wag na po galit ha. . .










"ang storyang ito ay hango sa mga kuro-kuro at kwentong nasa paligid ligid lamang na binigyan ko ng isang bagong rendisyon para mapagkukunan ng aral."

2 comments:

  1. awww. maka-touch man pud ni pe oi. it is true. we are more harsh to people we are close to than to strangers or acquaintances :(

    ReplyDelete
  2. @13thWiTCH: whether it's true or not,the most important thing is we need to value our love ones more than anybody else. . .

    ReplyDelete