Friday, April 15, 2011

ISKWATER BOY


ni Perry Lequigan

Sa isang lugar na kung tawagin ng iba ay "Iskwater" na  hinamak hamak ng ibang tao kasi ang mga nakatira daw dito ay mga taong barumbado at walang pinag-aralan. Dito palaging may kaguluhan lalong lalo na sa gabi ang mga tambay ay nag-aabang ng gusto nilang mapagkakitaan at minsan kumakapit na sa patalim para lang mabuhay.

Si pring isang batang lumaki na mahirap ang pamilya anak sa pangalawang asawa ng kanyang ama. Lumaki s'yang araw-araw na nakikita ang mga nangyayari sa paligid niya; iligal na droga, sugal, away, bisyo at iba pang mga pamumuhay na di naayon sa batas. Lumaki s'yang may pangarap na sana makapagtapos sya ng pag-aaral at maahon pamilya nya sa lugar na yon. Sabi ng ama nya, "di kita mapag-aral kasi wala tayong pera".

Sa murang edad nya natuto s'yang makipagsapalaran sa buhay para lamang makapag-aral  halos lahat ng mapagkakakitaan pinasukan nya magkakapera lang, Madaling araw gising na sya para magbenta ng "Newspaper", sa umaga nagbebenta ng "ICE BUKO", sa tanghali pumapasok sa paaralan at pag-uwi sa hapon naghuhugas ng sasakyan para sa konting pera na pwede nyang maipon. Ganito ang naging buhay nya sa araw-araw hanggang nag hayskul na sya at nakapag-aral sa kolehiyo.

Para makapasok sa kolehiyo, naging janitor din sya para lang may pang tustos sa "tuition" naging mahirap man sa kanya ang buhay pero di nya alintana yun dahil di sya humintong maniwala na "KAYA KO ITO". DI naglaon nakapagtapos din sya sa pag-aaral pero umabot din sya sa punto na nalulong sa droga at bisyo. Nag-iba buhay nya mula ng makapagtapos halos araw-araw nasa mall umiistambay.

Marami na rin naglalakihang mall sa dabaw na naitayo; Victoria Plaza, Gaisano Mall, SM at Abreeza Mall.
Naging madali na sa kay pring ang umistambay sa mall at lingid sa kaalaman nya umiiyyak pala sa tago mga magulang nya dahil nakikita syang nag-iba na pag-uugali. Ang isang batang mapagmahal sa magulang ngayn isa ng problema sa lipunan.

Matatanda na mga magulang niya at di na kayang lumakad ng malayo papa nya "87yrs. old" mama nya 72 na rin. Ito naging dahilan kung bakit hanggang ngayon single pa rin si pring sa edad na 37 kasi kahit sa bisyo nya nandun pa rin sa loob nya ang pagmamahal sa mga magulang.

Isang gabi, habang nakahiga sya, di mapakali si pring nakapikit ang kanyang mata pero ang kanyang isip ay gising na gising at dinig na dinig kahit tikatik ng mga insekto sa paligid. Maya-maya narinig nya mga magulang nya na nag-uusap ng pabulong. . . nag-uusap sila sa mga bagay na di nila naranasan nung malalakas pa sila. Patuloy na nakikinig si pring sa pag-uusap ng magulang niya at sa gitna nga pag-uusap, may narinig si pring na sinabi nga kanyang matandang ama na naging dahilan ng pagtulo ng luha niya.

Sabi ng ama niya sa kanyang ina .. ".alam mo isa lang gusto ko na mapuntahan at gustong gusto ko pero di na yata natin kaya pumunta dun matanda na tayo at di na kaya ng tuhod ko; nakakatakot din sumakay nung hagdanan na kusang umaakyat baka mahulog tayo. . .  ano ba yun? VICT. . . VICTORIA PLAZA ba yun?" Habang naririnig ni pring ang pag-uusap na yun bumuhos ang kanyang luha kahit na nakapikit sa hiya sa sarili dahil simple lang pala pangarap ng papa niya, ang makapunta sa victoria plaza. . .  eh di nga nya alam na may malalaking mall na nakatayo at itatayo pa na laging tinatambayan ni pring.

Hiyang hiya si pring sa sarili niya, pansarili lang pala ang kanyang iniisip ni hindi sumagi sa isip niya na may mga pangarap din pala mga magulang natin na di nila naranasan sa buhay habang ang mga kabataan ngayon halos araw-araw nasa mall, gimik sa gabi, nood ng sine at kung saan-saan pumupunta; at kung minsan nagrerebelde pa sa magulang pag hindi makuha ang gusto nila.



*kailan mo ba huling kinausap magulang sa mga bagay na gusto nila nung malalakas pa sila? Kailan mo ba nasabi sa kanila na mahal mo sila? Sabi nga ni Rizal: "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" maging makakatotohanan lamang ang mga katagang ito sa mga kabataang marunong magmahal at magpahalaga sa kanilang mga magulang.

Si Pring di man naging mayaman pero may mahalaga syang natutunan sa buhay na di kayang nakawin sa kanya... ang pagmamahal sa magulang at pagpapahalaga sa mga bagay na  biyaya ng may likha.


Ang totoong kayamanan ay mga bagay na di mo nakikita, pero nasa loob ito ng puso na patuloy na maging gabay sa matuwid na pamumuhay.


Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay ng may akda, sana po ay mapupulutan nyo ng aral.


 Maraming salamat po!








7 comments:

  1. Pang Maalaala ni na story boss,hehehe .... ang bisyo wala talagang magandang naidudulot sa tao at sa kalusogan ,.... (✿◠‿◠)

    ReplyDelete
  2. Ok magandang ang kwento maraming aral akong mapulot

    ReplyDelete
  3. Ok magandang ang kwento maraming aral akong mapulot

    ReplyDelete
  4. Can I contact the owner of this post. Please we are interested in your story to make a short story. thank you-

    ReplyDelete
  5. naiiyak ako,, nakakalukot lang dahil wala na akong ina, hindi ko manlang naitanong sakanya,kung saan nya gusto pumunta.

    ReplyDelete
  6. magandang maging mayaman pero mahirap,importante masaya ka at hindi ka gumawa ng masama

    ReplyDelete
  7. kung wala ang mga magulang wala din yayo kaya importante sila

    ReplyDelete